Tuesday, July 03, 2012

'til death do us part

Sabi ni Father sa kanyang homily nung Sunday: “Ang kamatayan ay hindi bahagi ng natural na plano ng Diyos, dahil hindi Niya ito kagustuhan. Ito ay kagagawan ng tao sa pamamagitan ng Diyablo.” Medyo paraphrased na itong statement na ito. Hindi ko kasi narinig at naintindihan ang buong sermon dahil sa bukod sa hindi kagandahang sound system ng simbahan, maingay at malikot ang mga batang nakaupo sa harap namin. Gusto ko pa ngang batukan yung isa dahil ang sama tumingin sa anak ko na tahimik lang naman nakaupo sa gitna naming mag-asawa. Parang ako ang gustong magsermon sa batang yun at sa nanay nya na bingi ata sa ingay at kakulitan ng anak nya.

Balik tayo sa sermon. Nung simula pa lang ng misa at mabanggit na ang gospel reading ay may kinalaman sa kamatayan, meron na akong ibang naramdaman. Death gives me mixed emotions just by the mere word.
Curiosity. Anong meron at anong nangyayari the minute na pumikit ang isang tao at tumigil na ang baga sa paghinga at ang puso sa pagtibok? Tulad ba yun ng sa TV or pelikula na automatic humihiwalay ang kaluluwa sa katawang-lupa at pinapanood ang mga mahal sa buhay habang naghihinagpis sa pagkawala niya? O exaggeration lang yun at produkto ng malikhaing isip ng tao?

Worry. Kasi wala naman akong life insurance. SSS meron. Pero sasapat ba yun? Pano kung dumating na ang pagkakataong yun pero ultimong tinapay at kape para sa lamay wala ako pambili? OA ba? Ayoko lang kasing mamatay ng kinaaawaan.

Fear. Sino ba ang excited mamatay? Pero ako, ang takot ko ay yung takot na maiwanan. Takot ako dahil hindi ko alam kung pano magmove on kung sakali. Yun pa nga lang pagkamatay ni Tita Nesty last year medyo hirap pa ako tanggapin hanggang ngayon. Takot din ako sa proseso pag ako na mismo ang mamamatay, takot ako sa sakit at hirap na mararamdaman ko kung sakali. Ayoko nung pahihirapan pa ako, torture na sa akin lalo pa sa mga taong mag-aalaga sa akin. Ayoko rin ng aksidente or tragedy. Mas gusto ko pa yung mga sudden death, tulad nung hindi na lang ako magigising isang umaga.

Balik ulit tayo sa sermon. Napaisip ako sa sinabi ni Father. Bakit nga ba kelangang mamatay ng tao? Hindi nga ba't ang pangako sa atin ng Diyos ay eternal life? Pero bakit may kamatayan? Sabi ni Father, evil has to do with the presence of death. Kung ano ang koneksyon ng diyablo sa pagkakaroon ng kamatayan, hanggang ngayon iniisip ko pa rin.


Isang hypothetical question: kapag ba ang mag-asawa sabay namatay, pagdating sa tinatawag nilang 'kabilang buhay', mag-asawa pa rin kaya sila doon? O deadma na ang mga kaluluwa nila sa isa't isa? Parang ayoko munang isipin yun.

2 comments:

  1. No one would really know what's waiting after we died and like you ang fear ko eh ang maiwan. Just can't imagine.

    ReplyDelete
  2. hiyee! Here is your award:

    http://iamjessiegarcia.blogspot.com/2012/07/versatile-blogger-award.html

    ReplyDelete