Tuesday, July 03, 2012

'til death do us part

Sabi ni Father sa kanyang homily nung Sunday: “Ang kamatayan ay hindi bahagi ng natural na plano ng Diyos, dahil hindi Niya ito kagustuhan. Ito ay kagagawan ng tao sa pamamagitan ng Diyablo.” Medyo paraphrased na itong statement na ito. Hindi ko kasi narinig at naintindihan ang buong sermon dahil sa bukod sa hindi kagandahang sound system ng simbahan, maingay at malikot ang mga batang nakaupo sa harap namin. Gusto ko pa ngang batukan yung isa dahil ang sama tumingin sa anak ko na tahimik lang naman nakaupo sa gitna naming mag-asawa. Parang ako ang gustong magsermon sa batang yun at sa nanay nya na bingi ata sa ingay at kakulitan ng anak nya.

Wednesday, June 27, 2012

Kung hindi ngayon, kailan?

Ilang buwan na rin akong nag-iisip isip. Naglilimi. Naninimbang. Isang mabigat na desisyon na naman ito. Parang history repeats itself, nasa isang dilemma na naman ako.

Marami akong kailangang i-consider, alam ko. Hindi na lang ako ang involved dito, at ang maaapektuhan kung sakali. Hindi ito simpleng tanong na pwede mong sagutin ng oo o hindi nang ganun-ganun na lang. Hindi basta-basta. Walang kinalaman dito ang mga sinasabi sa akin ng ibang tao. O yung mga nakikita ko sa FB. Kung sakali mang magdesisyon ako, yun ay para sa sarili ko at sa ikabubuti ng pamilya ko. Wala nang iba pa.

Tuesday, June 05, 2012

Nature or Nurture?


Hindi iisang beses na nasabihan nya ang kanyang 13-year old na tiyahin ng “Mamatay ka na sana!” dahil sa hindi pagkakasundo sa TV. Madalas, makakailang ulit ka ng saway sa kanya, yung tipong halos umakyat na lahat ang dugo mo sa ulo dahil sa yamot, bago siya sumunod at tumigil sa kakulitan nya. Bawat laruang mahawakan nya hindi maaaring hindi niya sisirain bago bitawan. Minsan, makikita mo syang may hawak na patpat sa paglalaro, habang hinahampas ang mga halaman at sinasabihan ng “Dapat sa inyong mga halaman pinapatay na dahil hindi kayo namumunga!” Kung bakit, hindi ko alam. Ang mas masaklap, ilang ulit na rin siyang nahuling nangungupit ng mga barya sa bahay. Nakakatakot, dahil sa edad na walong taon, ganito na ang ipinapakita nyang ugali.



Thursday, May 17, 2012

Isang Balik-Tanaw


Isang pagsasalaysay.

Ng isang paglalakbay.

Ng mga kwento.

Ng mga aral.

Ng mga minsan ay wala lang na moments, pero mga moments na tumatak sa puso at isip.

Ito ang mga highlights ng buhay kong minsan ay maydrama, masaya, nakakainis, nakakabagot, pero madalas ay ordinaryo.

Ito ang timeline ng buhay ko.


Sunday, May 13, 2012

Caution: Writer’s Block…in progress


Gusto kong magsulat ngayon. Kahit ano lang.

Gusto kong magsulat tungkol sa mga phobias, at ipaalam sa iba kung anong mga phobias meron ako.

Gusto kong magsulat tungkol sa birthday ko. Lapit na, ilang araw na lang.

Thursday, May 10, 2012

A Mother's Blog

Masyadong malaki ang tyan mo. Mukhang malaki ang bata, parang kambal. Baka hindi kayanin ng normal. Kaya maghanda na rin kayo kung sakali kasi baka ma-cesarian ka.


Perang maliwanag un, alam ko, pero parang ikinatuwa ko pa ang sinabi ni doktora. Mas kakayanin ko kasi yata ang sakit ng opera kaysa ang sakit ng paglelabor. Ni hindi ko nga sigurado kung marunong ako umire. Nakakahiya yata na sa loob pa ng delivery room kami magturuan.

Message (hopefully) sent

Hanggang ngayon, ayaw pa ring tanggapin ng isip ko na wala ka na kahit halos isang taon na ang mabilis na lumipas. Gusto ko pa ring maniwala na sa minsang pagluwas ko ng Maynila, madadatnan kita sa gate ng apartment, kakwentuhan si Rose o si Jenny habang binabantayang maglaro si Sam sa di-kalayuan. O kaya gumagawa ng assignment o project para kay Nika. O kaya nag-iinternet sa kwarto ni Tita Ana.