Thursday, May 10, 2012

Message (hopefully) sent

Hanggang ngayon, ayaw pa ring tanggapin ng isip ko na wala ka na kahit halos isang taon na ang mabilis na lumipas. Gusto ko pa ring maniwala na sa minsang pagluwas ko ng Maynila, madadatnan kita sa gate ng apartment, kakwentuhan si Rose o si Jenny habang binabantayang maglaro si Sam sa di-kalayuan. O kaya gumagawa ng assignment o project para kay Nika. O kaya nag-iinternet sa kwarto ni Tita Ana.


Kaso, kahit anong gawin kong conditioning sa utak ko, one fact will remain the same - wala ka na talaga. In-denial pa rin ako, siguro dahil ang naiwang picture sa isip ko ay ung babaeng palaayos, masigla, lagi nakatawa. Kahit yung mga kwento ni Mama na syang naging tagapagalaga mo sa ospital, hirap akong paniwalaan. Siguro dahil malayo ako nung mga panahong pinahihirapan ka na ng sakit mo at unti unti nang pinababagsak ang katawan mo. Wala ako nung mga panahong dumadaing ka na sa sakit. Hindi ko din nakita kung paano nilagas ng chemotherapy ang dating kinaiinggitan kong buhok mo na syang dahilan bakit natuto kang magsuot ng wig.

Gusto kong maguilty, dahil umalis ako sa panahong kailangan ng pamilya natin ng lahat ng klase ng suporta dahil sa pinagdadaanan mong sakit. Iniisip ko, what if tinupad ko ang pangako ko kay St. Jude na regular na pagsimba tuwing Huwebes para lamang ipagdasal ang paggaling mo? What if nag-iba ang desisyon ko dati at pinili kong mag-stay dyan, may nagbago kaya? Kasama ka pa kaya namin?

Nung araw na nawala ka, I was inside our room beside my sleeping baby when suddenly, out of nowhere, may pumasok na maliit na puting paru-paro. Nagpaikot-ikot ito sa loob ng kwarto saka lumabas ng bintana. After a few minutes, I got a text message from Jenny: Ate, wala na si Tita. 

If I can turn back the hands of time, and will have a chance to talk to you while you're on your deathbed, here are my words to you:

I admire you, sa kakaibang tapang na pinakita mo para mabuhay, hindi para sa sarili mo kundi para sa mga anak mo. I admire your strength and determination dahil kahit hirap na hirap ka na, pinilit mong huwag bumitaw para sa kanila. Sorry dahil wala ako nagawa para matulungan ka kahit konti sa paghihirap mo, pero I envy you dahil finally, you will no longer feel pain. You will no longer have to experience life's cruelties. You're now in a place where only love, peace, happiness and all good things exist. Wala nang hirap at sakit.







You will never be forgotten Tita. 
Be our Angel and please look after us from where you are now.


3 comments:

  1. nakakaiyak nmn but very well written :) i bet your tita is happy that you are doing what you love to do...write! keep them coming dear.

    ReplyDelete
  2. May fan na ba agad ang blog ko? heheheh salamat sa pag appreciate mare. :)

    ReplyDelete
  3. awwwww nakakaiyak naman.....but one thing is for sure...she's in better place now.

    ReplyDelete