Wednesday, June 27, 2012

Kung hindi ngayon, kailan?

Ilang buwan na rin akong nag-iisip isip. Naglilimi. Naninimbang. Isang mabigat na desisyon na naman ito. Parang history repeats itself, nasa isang dilemma na naman ako.

Marami akong kailangang i-consider, alam ko. Hindi na lang ako ang involved dito, at ang maaapektuhan kung sakali. Hindi ito simpleng tanong na pwede mong sagutin ng oo o hindi nang ganun-ganun na lang. Hindi basta-basta. Walang kinalaman dito ang mga sinasabi sa akin ng ibang tao. O yung mga nakikita ko sa FB. Kung sakali mang magdesisyon ako, yun ay para sa sarili ko at sa ikabubuti ng pamilya ko. Wala nang iba pa.


Alam kong sa isang banda, maaaring selfish ang dahilan ko. Pero masama bang sa pagkakataong ito, sarili ko naman ang pagbigyan ko para umunlad? Masama ba na magdesisyon akong kumilos dahil sa takot na mapag-iwanan ako ng mundo at ng mga tao sa paligid ko?

Sabi ng puso ko, hindi pa ito ang tamang panahon. Mas mabuti sigurong maghintay-hintay pa ako at baka parating na ang para sa akin talaga. Kawawa ang anak ko, magpapaalaga na naman sa mga lolo at lola sa halip na ako ang nagbabantay. Saka kung magdesisyon akong umalis, para ko na ring pinatunayan na tama ang mga masasakit na sinabi nila dati. Na mali ako sa nauna kong desisyon. Pero sabi ng isip ko, tama lang na umalis ako. I need to bring back my old self. I need to regain my lost self-esteem and self-confidence. Kailangan kong lumayo para may mapatunayan naman sa mundo.


Mahigit isang taon na rin ang lumipas. Sapat na panahon na siguro yun. At hindi na rin siguro ako masasabihan na impatient. Hindi naman ako nagkulang sa effort para maghanap ng magandang opportunity. Sumubok din naman ako pero walang nangyari. Kung hindi lang dahil sa pamilya ko, iisipin kong hindi talaga para sa akin ang lugar na ito.


May takot pa rin sa dibdib ko - pano kung di ko na kayang makipagsabayan? Pano kung lipas na talaga ang panahon ko? Well, sabi nga ng prinsipyong pinaniniwalaan ko - you wouldn't know what lies ahead unless you dare to step your foot to move forward.

No comments:

Post a Comment